Magpupuslit sana ng pekeng yosi ngunit walang kawala sa mga autoridad ang dalawang katao matapos na maharang ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan sa rehiyon ang kanilang sinasakyang Wingvan na may bitbit na 133 na kahon ng iligak na sigarilyo dakong hapon kahapon sa Barangay Kenbeka, bayan ng Datu Odin Sinsuat, MDN.

Kinilala ng PRO BAR ang mga smugglers na sina RYAN GABRIEL y RODRIGUEZ, 31 at binata, isang helper habang si ROY BORJA y ONDONA, 48, may asawa ay residente ng Toril sa lungsod ng Davao.

Sinasabing walang babala o graphic warning ang naturang imported na yosing may brand name na Berlin kung saan tinatayang aabot sa 1.5 na milyong piso ang estimadong presyo.

Kasong paglabag sa Seksyon 10 ng Batas Republika bilang 10643 o ang The Graphic Health Warnings Law at Batas Republika bilang 10863 o ang Customs Modernization and Tarriff Act ang kakaharapin ng dalawang natimbog na suspek na himas rehas na sa DOS MPS.