Nasabat ng pinagsanib na pwersa ng pulisya ang 2,150 reams ng smuggled Cannon cigarettes sa isinagawang anti-criminality checkpoint operation sa Barangay Tual, Picong, Lanao del Sur, bandang 1:45 ng madaling araw noong Disyembre 9, 2025.
Ayon sa ulat, nahuli sa checkpoint ang isang Mitsubishi L300 puti, may plate number DBS 3140, na puno ng smuggled cigarettes, na minamaneho ni alyas Waf, 31 anyos, residente ng Brgy. Liangan, Picong, kasama si alyas Sod, 17 anyos, bilang pasahero.
Pinangunahan ang operasyon ng joint personnel mula sa Picong MPS, 2nd PMFC LDSPPO, at 1402nd RMFC RMFB 14-A 3rd MP.
Base sa imbestigasyon, patungo ang sasakyan mula Brgy. Biosong, Picong papuntang Malabang, Lanao del Sur nang mapansing nakalagay sa likod ng L300 ang mga smuggled cigarettes. Nang hingin ng mga awtoridad ang kaukulang dokumento, nabigong ipakita ito ng drayber, kaya agad na inaresto ang dalawa.
Kasama sa temporary custody ng Picong MPS ang mga naaresto, ang sasakyan, at ang mga nasabat na cigarettes para sa dokumentasyon at paghahain ng kaso. Ang mga nasabat na kontrabando ay ipapasa sa Bureau of Customs para sa tamang disposisyon.

















