Nasamsam ng PDEA BARMM ang isang milyong halaga ng iligal na droga mula sa mga armadong dealers nito matapos na magpalitan ito ng putok sa isang liblib na barangay sa Wao, Lanao del Sur nito lamang Miyerkules ng umaga.
Ayon kay PDEA BARMM Regional Director Gil Cesario Castro, entrapment operations sana ang kanilang gagawin sa Barangay Kilikili East ngunit agad silang pinaputukan ng mga kasama ng isang dealer na sana ay bibilhan nila ng shabu.
Nakahalata diumano ang grupo na ang katransaksyon nila ay alagad ng batas kaya ito nanlaban at mabilis na tumakas.
Nakumpiska nina Castro at ng mga kasama nito ang aabot sa 1 milyong pisong halaga ng epektos na naiwan ng kanilang katransaksyon.
Dahil dito, ani Castro, nailatag ang naturang entrapment sa tulong ng Militar at ng mga impormanteng alam ang kalakaran ng naturang grupo.