Arestado sa isinagawang buy bust operation ng kapulisan sa Islamic City of Marawi ang dalawang lalaki na hindi pinangalanan matapos na makumpiskahan ito ng tinatayang aabot sa 150 na gramo ng hinihinalang Shabu na may street value na isang (1) milyong piso.

Ang mga di na pinangalanang indibidual ay 35 at 26 taong gulang, parehas na walang trabaho at nakatira rin sa siyudad habang dalawa naman ang nakatakas sa nasabing operasyon.

Bukod sa shabu, nakuha rito ang bust money, isang lalagyan ng sabon at isang lalagyanan ng parcel na may nakatatak na Gold Jewelry. Kulong na ngayon ang dalawa sa Marawi City Police para mapanagot sa nasabing pagkakasala at para sa tamang dokumentasyon.