Simula Enero 2026, makakatanggap ng P10,000 cash subsidy ang lahat ng college students na taga Cotabato City, ani ng alkalde ng siyudad.

Wala umanong pinipiling paaralan—pampubliko man o pribado—at tanging pagiging lehitimong residente ng lungsod ang kailangan para makuha ang ayuda.

Layunin ng programa na suportahan ang edukasyon at gastusin ng mga estudyante bilang bahagi ng adbokasiya ng lokal na pamahalaan para sa mas inklusibo at de-kalidad na edukasyon.