Napigil ng pulis at kawani ng pambansang aduwana ang sana ay tangkang pagpuslit ng aabot sa 16 milyong piso na halaga ng imported na sigarilyo na gawa sa Indonesia.

Ang pagdeliver, mula sa Sulu, patungong Zamboanga City.

Sa ulat ng PRO 9, nasabat sa pier ng Zamboanga City ang iligal na kontrabando na lulan ng isang van type truck na noon ay kalalapag lang mula sa isang RORO ship na mula sa Jolo.

Maayos na tinakpan pa ng ibang kargamento ang 281 na malalaking kahaon na may lamang sigarilyo na galing pa nag Indonesia.

Ayon sa PRO-9, naikasa ang naturang matagumpay na operasyon kontra smuggling batay sa mga ulat ng impormanteng palihim na sumusuporta sa kampanya ng panahalaan kontra Illicit Trade.