Umabot sa tinatayang P18,108,000 ang kabuuang pinsala matapos tupukin ng apoy ang fruit at vegetable sections ng Magay Public Market sa Barangay Zone 4, Zamboanga City, kahapon February 26, 2026.

Ayon sa opisyal na ulat ng Zamboanga City Fire District, tuluyang naabo ang dalawang mercantile structures na pag-aari ng gobyerno, na sumasakop sa mahigit 1,509 square meters.

Kasalukuyan pang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng sunog. Kasabay nito, nagpaalala ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa mga vendor na maging maingat sa mga “octopus wiring” at depektibong koneksyon ng kuryente upang maiwasan ang ganitong kalaking pinsala sa hinaharap.