Nagpaabot ng P198 milyong halaga ng tulong ang pambansang pamahalaan at local counterparts nito sa mga pamilyang apektado ng patuloy na pagkabalisa ng bulkang kanlaon, ayon ito sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRMMC nitong Biyernes.
Ang P127.3 milyon ay para sa Central Visayas at ang P70.7 milyon ay para naman sa Western Visayas ayon ito sa pinakahuling disaster response body.
Sa naging eksklusibong panayam ng Star FM Bacolod kay Executive Secretary to the Mayor na si Hon. Jozsef Mark Dexter ng Bago City, Negros Occidental ibinahagi nito sa lahat na dapat paghandaan ang bulkan dahil mahirap ngayon ang sitwasyon nito hindi ito katulad ng ibang kalamidad na mapaghahandaan pa ang pagdating katulad ng bagyo.