Posibleng madagdagan pa ang naitalang P270,000.00 na halaga ng danyos perwisyo na ginawa ng sunog sa isang restaurant sa Sitio Tabite sa Poblacion, bayan ng Lake Sebu sa South Cotabato nito lamang na weekend.
Ayon kay SFO4 Ronald Navares na umaaktong fire marshall ng naturang bayan, sinabi nito na nagsimula ang apoy sa kwarto ng may-ari na di na kinilala na kung saan, makapal na ang usok at nagngangalit na apoy ang dinatnan ng BFP na agad namang naapula nito.
Posibleng problema na elektrikal o overheating ang dahilan ng sunog dahil may mga gadget na nakasaksak ng maganap ang sunog.
Tinatayang nasa P270,000.00 ang naitalang pinsala ng sunog at maari pa itong madagdagan sa pagiimbestiga ng BFP.
Payo naman ng mga kawani ng BFP, ugaliing tanggalin sa saksakan ang mga kagamitang di ginagamit upang di magoverheat at makaiwas sa sunog.