Hindi na nakatakas sa mahabang kamay ng batas at sinubukan pang manlaban ng isang suspek sa mga operatiba sa naging buy-bust operations ng PDEA, PNP at militar sa Bacayawan, Malabang sa Lanao del Sur.

Nakuha sa suspek ang isang jumbo pack na naglalaman ng suspektadong shabu na may timbang na aabot sa kalahating kilo at may standard drug price na P3.4 milyong piso.

Aminado ang suspek na si Alyas Amenola na kanya ang nakumpiskang drugs ngunit napag-utusan lang daw sya dahil sa mahigpit na pangangailangan.

Nakapiit na ngayon sa pasilidad ng PDEA-BARMM ang suspek at nahaharap sa kaso.