Napasakamay na ng kapulisan ang isang duguristang kilalang si Lolo Sakilan Ali na residenten ng Barangay Tugal sa Talitay, matapos makumpiskahan higit 3.4 million pesos na na halaga ng shabu sa Barangay Kabuntalan sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte
Ayon kay PROBAR Dir. Brig. Gen. Romeo Macapaz, agad na inaresto si Ali ng mga kasapi ng Sultan Kudarat Municipal Police Station katuwang ang Maguindanao del Norte Provincial Police Office matapos na kumagat sa pain ng otoridad ang suspek at mapagbentahan ang mga ito ng kalahating kilong shabu sa isinagawang operasyon.
Ani Macapaz, naging matagumpay din ang oprasyon dahil sa tulong ng mga baranggay officials at impormanteng alam ang maling gawain ng naturang shabu dealer.