Ipinagmamalaki ng Bangsamoro Government ang patuloy na pag-angat ng ekonomiya sa rehiyon, kasabay ng pagpasok ng mahigit ₱4 bilyong halaga ng investments ngayong taon.
Sa eksklusibong panayam ng Star FM Cotabato, sinabi ni BARMM Cabinet Secretary at Spokesperson Mohd Asnin Pendatun na patuloy nilang nalalampasan ang taunang economic target ng gobyerno.
Isa sa mga konkretong patunay ng paglago ay ang kauna-unahang malaking mall sa rehiyon, kasama ang iba pang inaasahang proyekto’t pamumuhunan na darating pa.
Ayon kay Pendatun, malaki ang papel na ginampanan ng kapayapaang unti-unti nang nakakamit sa rehiyon, na nagiging daan upang makuha ang tiwala ng mga mamumuhunan.
Dagdag pa niya, layunin ngayon ng pamahalaang rehiyonal na mapanatili ang kapayapaan at katatagan upang mas mapalawak pa ang oportunidad sa ekonomiya ng BARMM.