Arestado ang isang durugista ng mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation ng Polomolok PNP sa Purok Summer Light, Barangay Magsaysay sa Polomolok South Cotabato kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas Nic, 41 anyos at nakatira sa lugar at itinuturing na street level individual. Hinuli ito ng mga operatiba matapos na magbenta ito sa pulis na nagkubling poseur buyer.

Nakumpiska sa pangangalaga nito ang tatlong (3) plastic sachet na may lamang shabu at may bigat na walaong (8) gramo na nagkakahalaga ng P54,880.00 pati ang bust money.

Kulong ngayon sa Polomolok PNP ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165.

Photo for illustration purposes only.