Mismong si Shariff Aguak Mayor Datu Akmad Mitra Ampatuan ang naglaan ng P500,000.00 na pabuya o reward sa makakapagturo o makakapagbigay ng impormasyon sa mga sangkot sa pang raratrat-patay sa dalawang binatilyo na sakay ng isang sports car sa Barangay Labulabu Mother sa nasabing bayan.

Ani Mayor Ampatuan, ito ang kanyang magiging ambag upang matapos at maging mabilis ang imbestigasyon ng kapulisan sa pangyayari. Siya rin mismo aniya ang magaabot ng pabuya sa positibong makakapagturo sa nasabing mga suspek.