Umabot sa mahigit P6,119,170.40 ang kabuuang halaga ng ilegal na droga na nakumpiska ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) sa serye ng operasyon mula Agosto 1 hanggang 8, 2025.
Batay sa ulat, kabilang din sa accomplishment ng PRO-BAR ang pagkakaaresto sa siyam (9) na most wanted persons at lima (5) pang indibidwal dahil sa ilegal na sugal.
Nakumpiska rin ng mga awtoridad ang tinatayang P700,000 halaga ng smuggled cigarettes at P98,700 halaga ng mga kagamitang pangisda. Kabilang dito ang may kabuuang bigat na 175 kilo ng isda na narekober sa operasyon.
Pinuri ni PRO-BAR Regional Director PBGen. Jaysen C. De Guzman ang dedikasyon ng mga kapulisan sa rehiyon at muling nanawagan sa publiko na patuloy na makipagtulungan sa mga awtoridad upang masiguro ang kapayapaan at kaayusan sa Bangsamoro Autonomous Region.