Arestado ang 3 na indibidual habang nasabat dito ang nasa P6.8 na milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy bust operations na isinagawa ng PRO BAR at mga katuwang na ahensya nito sa Barangay Awang sa bayan ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte.

Umakto sa signal ng naging poseur buyer, hinuli ng mga otoridad sa lugar ng transaksyon ang tatlo at nakumpiska dito ang isang plastic package na nakabalot sa lalagyan ng chinese tea, laman ang nasabing shabu.

Nakumpiska naman ng kapulisan ang mga kagamitan ng mga suspek kabilang na ang bust money at isang Ford Ranger na sasakyan. Dinala na ngayon ang mga suspek sa Sultan Kudarat MPS para sa tamang disposition at pagsasampa ng kaso.