Tinatayang aabot sa 745,960.00 na halaga ng iligal na shabu ang nalambat sa isang High Value Target ng pulisya sa National Highway, Purok 8, Poblacion sa bayan ng Tupi, South Cotabato kamakalawa.

Kinilala ng kapulisan ng bayan ng Tupi ang nahuli na si alyas Saed, 43 at isang magsasaka na nakatira sa Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao at isa sa mga tinaguriang High Value Individual o HVI.

Nakasamsam sa suspek ang pulisya ng isang medium sized na rectangular shaped heat sealed transparent plastic na sachet na may lamang hinihinalang shabu, 2 na large size at 5 na medium size na may kaparehas na laman at aabot sa 109.7 gramo ang laman.

Ang mga nakumpiska na shabu at mga ebidensya at nasa kustodiya na ng Provincial Forensic Unit ng SCPPO upang marekisa at ang suspek ay nasa pangangalaga na ng TUPI MPS para sa tamang disposisyon at imbestigasyon.