Pinaghahandaan na ng Committee on Finance, Budget and Management o CFBM ang masinsin at masusing deliberasyon ng ipinapanukalang 2025 Bangsamoro Expenditure Program na nagkakahalaga ng P96.69-B na isinumite sa opisina ni BARMM Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim matapos itong mairefer ng BARMM Parliament sa ahensya.

Layunin nito ang pagsusuri sa mga alokasyong pinansyal para sa mga ministeryo, ahensya at mga opisina sa rehiyon at ang budget ay nakatuon sa pagpapahalaga sa sektor ng edukasyon, imprastraktura, kalusugan at serbisyong pangkalahatan.

Ayon kay CFBM Chair at MP Mary Ann Arnado, mahalaga ang naturang deliberasyon upang mapanatili ang kasalukuyang tinatahak na direksyon ng Bangsamoro Government na mahalaga aniya para makamit ang mga layunin ng gobyerno.

Samantala, ang kumite sa Accounts na pinamumunuan ni MP Jamel Macacua naman ang siyang nakababad sa deliberasyon ukol sa ipinapanukalang P4.9-B pondo ng Parliamentong Bangsamoro.

Inaasahan na magiging masinsin at thorough ang pagsusuri sa pondo upang matiyak na magagamit ito sa tama at makakatugon ito sa pangangailangan ng mga mamamayan sa rehiyon ng Bangsamoro.