Minaliit lamang ni boxing legend Manny Pacquiao ang mga batikos na wala na raw siyang maipapakita sa mundo ng boxing.

Ito’y kasunod ng kanyang pagbabalik sa professional ring sa darating na Hulyo 19 laban kay Mario Barrios para sa WBC welterweight title sa Las Vegas.

Ayon sa 46-anyos na dating world champion, hindi siya nagbabalik para lamang sa sarili kundi para sa bayan. Giit niya, layunin niyang patunayan sa buong mundo na ang mga Pilipino ay hindi sumusuko.

Ito ang magiging unang professional fight ni Pacquiao mula noong matalo siya kay Yordenis Ugas ng Cuba noong 2021.

Dagdag pa niya, gugulatin na lamang niya ang kanyang mga kritiko sa araw ng laban.