Inihayag ni Robin Padilla na tanging si dating Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang maaari umanong mag-utos sa kanya kaugnay ng posibleng pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa 2028 elections.
Sa isang panayam, diretsahang sinabi ng senador, “Walang pwedeng mag-utos sa akin kahit sino — si Digong lang.”
Aminado rin si Padilla na hindi niya umano personal na hangad ang politika, ngunit handa siyang sumunod sakaling hilingin ito ng dating pangulo.
“Ayaw ko talaga ng politika. Pero basta sinabi ni Digong, susunod ako,” ani pa ng senador.
Matatandaang ilang ulit nang iniuugnay ang pangalan ni Padilla sa mga usapin hinggil sa posibleng tandem sa 2028, bagamat wala pang opisyal na pahayag ukol dito mula sa kampo ng dating pangulo.

















