Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng pananambang sa isang election officer sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Kinilala ang biktima na si Maceda Lidasan Abo, na inambush sa Barangay Makir habang sakay ng kanilang sasakyan kasama ang kanyang asawa.

Ayon kay Atty. Mohammad Nabil Mutia, Provincial Election Supervisor, nakikipagtulungan na sila sa mga awtoridad upang matiyak ang seguridad ng mag-asawa at kanilang pamilya.

Tumanggi naman ang mga opisyal na magbigay ng karagdagang detalye habang patuloy ang pagtugis sa mga salarin.