Hindi na aniya ikinagulat ni Member of the Parliament Atty. Naguib G. Sinarimbo ang paglalabas ng TRO o ng Temporary Restraining Order ng kataas-taasang hukuman sa Bangsamoro Autonomy Act 77 o ang batas para sa pavers district o pagsasaayos muli ng mga distrito sa rehiyon.

Sa panayam ng Star FM Cotabato kay Sinarimbo, binalaan na aniya nito ang kapwa miyembro sa parliament na anumang magiging komento sa BAA 77, ay maaaring magkakaroon na epekto sa mismong halalan.

Bagamat malaya aniya silang magsumite o magsampa ng petisyon sa korte suprema, ngunit nagbalik babala din si Sinarimbo na maaring magkaroon ng tinatawag na unintended consequences o mailagay nito sa alanganin ang gaganaping halalang pangparliamentaryo sa susunod na buwan ng Oktubre dahil ang hangarin ng BAA 77 ay upang mawala ang mga sagabal na maaring ikadiskaril ng halalan sa Oktubre kagaya ng pagdetermina sa porsyento na kung ilang MP ang kakailanganin para maupo sa parliamento.

Una nang nagsumite ng petisyon upang kwestiyunin ang legalidad ng BAA 77 sina Deputy Speaker Ali at Commander Bravo sabay hingi nito ng Temporary Restraining Order upang ipahinto ang nasabing batas.

Dagdag pa ni Sinarimbo na ngayon ay isa nang batas panghalalan ang BAA 77 at ang Commission on Elections o Comelec ang magpapatupad nito, mayroong impact o epekto sa kanilang paghahanda sa First BPE ang nasabing TRO.