Maulap at may kasamang pag-ulan ang ilang bahagi ng Mindanao ngayong araw, Marso 26, ayon sa PAGASA.
Inaasahang makakaranas ng scattered rains at thunderstorms ang Northern Mindanao, Davao Region, Caraga, SOCCSKSARGEN, Lanao del Sur, Maguindanao del Norte, at Maguindanao del Sur dahil sa easterlies.
Nagbabala ang weather bureau na posibleng magkaroon ng flash floods o landslides sa mga apektadong lugar dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.
Pinapayuhan ang publiko na maging alerto sa lahat ng pagkakataon.

















