Naglabas ng abiso ang PAGASA dakong alas-2 ng hapon ngayong Oktubre 11, 2025, hinggil sa mga inaasahang pag-ulan sa ilang bahagi ng Mindanao.

Ayon sa ulat, mararanasan ang mahina hanggang katamtamang buhos ng ulan na may kasamang pagkulog at malalakas na hangin sa mga bahagi ng Surigao del Sur, Agusan del Norte, Davao de Oro, Davao Oriental, Agusan del Sur, Bukidnon, North Cotabato, Maguindanao del Norte, Lanao del Sur, Misamis Oriental, Surigao del Norte, Sultan Kudarat, at Sarangani sa loob ng isa hanggang dalawang oras.

Samantala, kasalukuyan namang nakararanas ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na may kasamang pagkulog at bugso ng hangin ang ilang lugar sa Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Sur, Davao Oriental, Misamis Oriental, at Surigao del Norte, na posibleng magtagal pa ng isa hanggang dalawang oras at makaapekto rin sa mga karatig na bayan.

Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na maging mapagmatyag at mag-ingat laban sa mga posibleng epekto ng malakas na ulan, gaya ng flash flood at pagguho ng lupa, lalo na sa mga mababang lugar at bulubunduking bahagi ng rehiyon.

SOURCE: PAGASA-Mindanao PRSD