Ipinasya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na pansamantalang ihinto ang paglalathala ng arawang heat index kasunod ng opisyal na pagsisimula ng panahon ng tag-ulan noong Hunyo 3.

Ayon sa ahensya, hindi na muna maglalabas ng anumang heat index habang umiiral ang rainy season, at posibleng sa Marso ng susunod na taon pa ito muling ipagpatuloy.

Sa ngayon, tututok na ang PAGASA sa pagmomonitor at pagbibigay ng babala kaugnay sa mga epekto ng tag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.