Sinimulan na ng magkakatuwang na pwersa mg City Engineering, City Public Safety, PNP at Barangay Officials ang clearing operations sa siyam (9) na barong batong na itinayo sa gilid ng pader ng BJMP Cotabato City Jail sa Datu Udtog Matalam Street, RH 10 nitong lungsod.

Pinangunahan ang clearing operations ng hepe ng CPSO na si Ret. Col. Adam Guiamad alinsunod sa hiling ng BJMP Cotabato City Jail para sa seguridad ng kapaligiran nito.

Sinabi ni Col. Guiamad na nagbigay na ang pamahalaang lungsod ng sapat na panahon sa mga barong batomg ngunit di ito tumupad sa napagkasunduang panahon ng pagalis.

Naglaan na rin ng relokasyon ang barangay sa Purok Balabaran RH 10 na paglilipatan ng mga nasama sa demolisyon.

Binigyan diin ni Col. Guiamad na ang pagpapaalis sa mga ito ay alinsunod sa direktiba ng DILG lalo na sa mga lupain na pag mamayari ng gobyerno.