Mainit na sinalubong ng 6th Infantry (Kampilan) Division si Major General Rogelio Ulanday, Commander ng Army Support Command (ASCOM) ng Philippine Army, sa kaniyang pagbisita sa Camp Siongco, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte noong Agosto 29, 2025.
Personal siyang tinanggap ni Brigadier General Edgar Catu, General Officer in Command ng 6ID, kasama ang iba pang matataas na opisyal, enlisted personnel, at civilian human resource ng nasabing yunit.
Si Maj. Gen. Ulanday ay kabilang sa Philippine Military Academy “Bigkis-Lahi” Class of 1990 at naitalaga bilang pinuno ng Army Support Command noong Pebrero 2023. Bago ang kaniyang kasalukuyang tungkulin, nagsilbi rin siyang Deputy Commander ng ASCOM mula pa Oktubre 2020.
Sa kaniyang malawak na karera sa militar, nakapagtapos siya ng iba’t ibang pagsasanay sa loob at labas ng bansa, kabilang ang Explosive Ordnance Disposal Course, na nagbukas ng pagkakataon upang maging Commanding Officer ng EOD Battalion, 1st Logistics Support Group.
Ang kaniyang pagbisita sa 6ID ay nagpapakita ng kahalagahan ng suporta ng ASCOM sa malalaking yunit ng Philippine Army, partikular sa usapin ng firepower, transportasyon, organisasyonal na pangangailangan, at maintenance ng kagamitan.