Iminumungkahi ng City Transport and Traffic Management Center o CTTMC Chief Moin Bul ang pagbibigay ng sapat na kapangyarihan sa mga traffic enforcer nito ng Bangsamoro Land Transportation Office sa lungsod.
Aminado ang hepe na hindi pa sapat ang kanilang pamamahala o pagooperate sa lungsod pagdating sa batas trapiko. Ayon kay Chief Nul, nagmimistulang inutil o walang papel ang mga traffic enforcers pagdating sa paninita ng mga traffic violators kung hanggang sa pagiisyu lang ng ticket ang kanilang magagawa.
Napapansin kasi ni Nul na lahat ng kanilang naisyuhan ng tiket ay hindi na nagbabayad at nahihirapan silang bantayan ang mga ito dahil wala silang kapangyarihan manghold o mangumpiska ng lisensya o unit at tanging BLTO lang ang may karapatan dito.
Dahil rito, nakatakdang magpulong ang dalawang panig para pagusapan ang suhestiyong ito. Sa kabilang banda naman may paalala ang hepe na si Nul para sa mga tsuper na existing pa rin ang number coding at dapat itong sundin upang maibsan ang daloy ng trapiko sa lungsod.
Sa huli, nagpaalala naman ang hepe na maging maingat ang mga tsuper lalot ngayon ay maulan na ang panahon at madulas na ang mga kalsada sa lungsod.