Mukhang adik o posibleng gumagamit ng ipinagbabawal na droga.

Ito ang pagtataya ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao matapos na makausap nito ang suspek sa panghahalay ng dalawang minor de edad na si Alyas Boy kagabi sa PNP Station 1.

Ayon kay Matabalao, hindi gagawin ng matinong tiyuhin ang manghalay ng dalawa nitong pamangkin.

Una nang kinausap ni Matabalao ang magulang ng dalawang menor de edad na hinalay sa Barangay Poblacion Siete kagabi at positibo namang naituro ang tiyuhin nito bilang suspek sa panghahalay ng mga pamangkin na nasa 4 at 5 na taong gulang ang idad.

Sa ngayon, kalaboso si alyas Boy sa rehas ng Presinto Uno at haharap sa kasong may kinalaman sa panghahalay o Rape.