Sapul sa kuha ng CCTV ng kalapit na bahay ang aktual na paghagis ng suspek ng granada sa harap ng opisina ni Minister of Health Dr. Kadil Jojo Sinoliding, sabado ng gabi sa lungsod ng Cotabato.

Makikita sa naturang CCTV footage na may isang lalaki na sakay ng motor ang huminto saglit at nanatili ng ilang saglit sa harapan at dito na nito hinagis ang granada sabay paharurot ng motor sa di malamang direksyon.

Sa ngayon, masinsinan pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo ng panghahagis at pagpapasabog ng granada sa nasabing opisina ni Sinolinding.