Habang papalapit ang Undas 2025, abala na ang kapulisan at lokal na pamahalaan sa paghahanda para sa inaasahang dagsa ng mga tao sa Catholic Cemetery sa Cotabato City.

Naglagay ng PNP Assistance Desk at mas pinaigting ang police visibility para sa seguridad ng mga bibisita.

Nagsimula na ring magsilinis ang mga tao sa mga puntod. Ayon sa mga tindera, inaasahang dagsa ng tao sa Nobyembre 1, kaya paalala ng PNP na maging maingat at bantayan ang personal na gamit.