Bakit pa ninyo hahatiin? Ito ang nakakagulat na bira ni Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte Mayor Datu Lester Sinsuat sa mga narinig nito na pumasa na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Bangsamoro Parliament ang panukala na naghahati sa Datu Odin Sinsuat sa tatlong munisipalidad.

Inaprubahan ng parliamento ang BTA Parliament Bills na may numero bilang 332 at 333 na nagtatatag sa mga bayan ng Datu Sinsuat Balabaran at Shiek Abas Hamza na kukunin sa naturang mother town na Datu Odin Sinsuat.

Ayon sa alkalde, hindi kailangan ang dibisyon o paghahati bagkus kailangan nito ang mabuti at maayos na pamamalakad ng isang lider sa lugar.

Sa paniniwala ni Sinsuat, political accommodation na lumalabas ang mga ikinasang batas ng BTA kung kayat nais nilang hatiin ang nasabing bayan.

Ayon sa alkalde, ginagawa nito ang lahat ng kanyang makakaya upang magtuloy tuloy ang pagbabago at pag-unlad sa DOS Sa ngayon, ang pinagtutuunan ng alkalde ay ang pangarap na maging Datu Odin Sinsuat City o maging lungsod na ang nasabing bayan na ipinanawagan nito sa BARMM Government na ito na lamang ang itulak.

Kung sakaling mahati sa tatlo ang DOS, magiging 5th or 6th class municipality na lamang ito. Dinagdagan din nito ang panawagan na iwasan ang political accomodation upang makamit ang paglago at pagunlad at maging mahusay ang pamamahala sa nasabing bayan.