Isinagawa ang Grand Kanduli Thanksgiving kasunod ng pagkakapasa ng Bangsamoro Indigenous People’s Act of 2024, ang isinagawa ng apat (4) pinuno ng tribong T’eduray Justice and Governance, Erumanen Ne Menuvu, Council Leader of Dulangan Manobo IP’s, Higaonon tribe, Sama Badjao, B’laan tribe, at Lambangian tribe.
Ang nasabing selebrasyon ay pangunahing dinaluhan si BARMM Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim, kung saan pinangunahan nito ang Turn-over ng kopya ng Bangsamoro Indigenous People’s Act of (BIPA) 2024 na personal namang tinanggap ng mga lider at kinatawan ng pitong (7) mga ethnic groups.
Bukod sa punong ministro, dinaluhan rin ito ng mga matataas na opisyales ng BARMM Government, mga opisyales ng mga lalawigan ng Maguindanao de Norte at Maguindanao del Sur.
Ang Bangsamoro Indigenous People’s Code ay isang hakbang upang mas makilala at mabigyang halaga ang mga pamayanan ng mga katutubo sa rehiyong Bangsamoro.
Ito rin ay isang pangako at bahagi ng usaping pangkapayapaam, Bangsamoro Organic Law (BOL) at may layong matiyak na naaabot at natatanggap ng mga grupong katutubo ang mga benepisyo at serbisyong ng pamahaalang Bangsamoro para sa kanila.
Ang code na ito ay isang pagsasakatuparan ng moral governance namay layung palakasin ang inclusivity.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga katutubong grupo ka BARMM Chief Minister Ebrahim sa pamamagitan ng pag-aalay ng tubaw at sayap.