Tinututukan ngayon ng BARMM Gov’t ang pagkakaroon ng mga Morong Siyentista at mga eksperto sa siyensya sa rehiyon.
Ito ay isasagawa sa pamamagitan ng BASE o ang Bangsamoro Assistance for Science Education at BASE MERIT scholarship programs ng MOST o Ministry of Science and Technology.
Ayon kay MOST Minister Engr. Aida Silongan, nasa mahigit siyam na raan (900) na Science and Technology Scholars na ang aktibong tinutulungan ng BARMM Government.
Tumatanggap ng P8,000 kada buwan ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng BASE samantalang P20,000 naman ang mga iskolar ng BASE MERIT.
Layon ng programa na mahikayat pang lalo ang mga magaaral na kumuha ng kurso na may kaugnayan sa agham at teknolohiya at upang makatulong sa pagbuo ng mga modernong solusyon at inobasyon para sa ika-uunlad ng rehiyon.
Sa mga may balak na kumuha ng naturang programa, maari kayong mag mensahe sa opisyal na FB page ng MOST.