Upang masolusyonan ang problema na idinudulot ng mga pakalat-kalat na mga Badjao sa iba’t-ibang kalsada maging sa mga pampublikong lugar, agad na binuo ng Cotabato City LGU ang Task Force Badjao.

Tututok at magsasagawa ng mga kaukulang solusyon at pag-aaral ang nasabing task force hinggil sa kung paano makokontrol ang pagdami nito at upang di na rin ito makasagabal pa sa mga main throughfares at public spaces ng lungsod.

Kung maaalala, ipinatawag noon ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao ang mga lider ng mga badjao upang mapag-usapan ang pagkontrol sa kanilang dami sa kanilang lebel pa lamang binalaan din noon ng alkalde ang mga ito na kung hindi ito masosolusyunan ay ibabalik nito ang mga Badjao sa kanilang pinanggalingan at ito ay sa lalawigan ng Tawi-Tawi.