Kinalampag ni Senador Risa Hontiveros ang Department of Foreign Affairs maging ang Department of Migrant Workers na kagyat na madaliin ang proseso ng repatriation o paglilikas ng mga Pilipino sa bansang Lebanon kasunod ng nagaganap na girian doon.
Ayon kay Hontiveros, dapat aniya ay may mga nakalatag na silang plano kung sakaling lumala ang sitwasyon sa nasabing bansa.
Inaasahan niya ang mga ahensya ng gobyerno na gagawin nila ang lahat ng hakbang upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga OFW’s na nasa bansang Lebanon bukod pa sa pagorganisa at pagmobilize ng mga resources para makatulong.
Nananawagan ang mambabatas sa mga OFW na nasa Lebanon na makipagugnayan sa embahada at titiyakin naman ng senado na magkakaroon ng tulong panghanap buhay ang mga uuwing OFW sa bansa.
Sa ngayon, mahalaga aniya amg ligtas na paguwi ng ating mga kababayan at maari naman aniya silang makabalik sa oras na humupa na ang gulo sa naturang bansa.