Nasakote ng mga force multiplier ng Barangay Rosary Heights XI ang isang hinihinalang magnanakaw matapos maaktuhan habang binabaklas ang isang air-conditioning unit mula sa isang establisyemento sa nasabing lugar kaninang madaling-araw.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Prexy,” residente umano ng Pagadian City. Ayon sa ulat, agad siyang inaresto ng mga barangay tanod na rumesponde matapos mapansin ang kahina-hinalang kilos ng lalaki. Agad naman itong itinurn-over sa mga awtoridad para sa tamang disposisyon ng kaso.
Ang pagkaka-aresto kay Prexy ay resulta ng pinaigting na direktiba ng pamunuan ng barangay sa kanilang mga force multiplier upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa loob ng kanilang Area of Responsibility (AOR).
Patuloy ang panawagan ng pamunuan ng Barangay Rosary Heights XI sa mga residente na maging mapagmatyag at agad ipagbigay-alam sa mga opisyal ng barangay ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa kanilang paligid.