Sa panayam ng mga mamamahayag kay PRO- BAR Regional Director BGen. Romeo Macapaz, sinabi nito na mayroon na silang motibo na tinitignan sa naging paghagis ng granada sa Mobile Force Command sa Pagalungan, Maguindanao del Sur.

Ayon kay BGen. Macapaz, tinitignan nila ang posibleng paghihiganti ng mga grupo ng mga sindikato na may kaugnayan sa iligal na droga. Posibleng binweltahan aniya ng nasabing grupo ang pulisya matapos na makahuli ito umano ng High Profile o mataas na uri ng kriminal.

Sinabi nya ito matapos na makipag-ugnayan ito at makipagpulong sa mga lokal na opisyal at sa mga apektadong tropa na tinarget ng pagsabog ng granada. Ani BGen. Macapaz, kilala na nila umano ang grupo na nasa likod ng pagpapasabog at nagbabala ito na hindi nila mapapayagang lapastanganin muli ang kanilang hanay.

Nagpalabas din ito ng kautusan sa kanilang isinasagawang pagtugis sa grupo na sangkot sa paghahagis ng nasabing granada.