Nanguna si DPWH o Department of Public Works and Highways Senior Usec. Emil Sadain at ng Ministry of Public Works Director General OIC Danilo Ong sa pagpapasinaya ng pitong kilometrong daan at Core Head Office Building ng ahensya nito sa Parang Maguindanao del Norte nitong weekend.
Ayon kay Sr. Usec. Sadain, layunin ng mga nabanggit na naipasinaya ang pagpapalakas ng ekonomiya sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM na alinsunod sa Road Network Development Project in Conflict Affected Areas in Mindanao o RNDP- CAAM.
Ang daan na Parang East Diversion Road ay inilatag ang disenyo upang maibsan kundi man makabawas sa traffic congestion sa lugar lalot dito na itatayo ang tanggapang administratibo ng rehiyon.
Inutang na pera mula sa JICA ang iginugulong na pondo sa proyejyo kung saan kabilang sa mga itatayo ay ang apat na tulay, 2 lane na kongkretong daanan at iba pang mga pangunahing imprastraktura sa rehiyon.