Binigyan ng pagpapahalaga at pagkilala ng Ministry of Labor and Employment o MOLE – BARMM ang kahalagahan ng tripartismo o tripartism na nagbibigay ng patas na laban sa mga nasa sektor ng uring manggagawa sa Rehiyon ng Bangsamoro.
Sa naging pananalita ni MOLE Minister Muslimin Sema sa taunang Bangsamoro Labor Summit and Productivity Olympics, ang tripartismo ang nagbibigay ng inklusibong paglakas ng ekonomiya, nagpapawala ng mga balakid at nagtutulay sa mga kakulangan sa sektor.
Committed aniya ang BARMM Government at ang MOLE na mapalakas pa ang sektor ng uring manggagawa sa Bangsamoro na syang nagbibigay ng mahusay na ekonomiya sa komunidad.
Dagdag pa nito, “collective endeavor” na maituturing ang pagbibigay ng patas na employment opportunities sa mga Bangsamoro na nakasalig sa karapatang konstitusyonal at sa tinatawag na Social Justice.
“Shared responsibility” aniya ng manggagawa at ng mga employers ang mapabuti ang kanilang ugnayan.
Aniya, isang malaking investment para sa sektor ang employer-employee relationship upang mapabuti pa ang sektor ng uring mangggagawa.
Ang aktibidad na naganap kahapon sa Mall of Alnor, Cotabato City na nilahukan ng ibat ibang personalidad sa Bangsamoro sa sektor ng uring manggagawa ay ginawa upang mapagibayo at mapagusapan ang mga maari pang magawa upang mapabuti at maging maayos ang sektor.