Kailangang dumaan sa plebesito upang matanong ang bawat mamamayan kung pabor sila o hindi sa pagpapaliban ng unang halalang Parliamento.
Ito ang sagot ng batikang abogado panghalalan o Election Lawyer na si Atty. Romulo Macalintal ng matanong ito sa kung anong gagawin sa oras na maipagpaliban ang halalan sa rehiyon.
Ayon kay Atty. Mac, labag sa konstitusyon na nagtatakda ng synchronized o sabay sabay na halalan tuwing tatlong taon kung ipopostpone muli ang halalan sa BARMM.
Ayon sa abogado, naipagpaliban na ang naturang halalan noong 2022 kaya kung muli’t muli itong maipagpapaliban ay paglabag na itong maituturing sa saligang batas.
Dagdag pa ng abogado, anumang desisyon na patungkol sa BARMM elections ay nakabatay sa isang susog o amendment sa Bangsamoro Organic Law o RA 11054.
Mahirap na din aniya na magsagawa ng plebesito dahil nalalapit na ang 2025 national elections ayon sa batikan na manananggol.