May malaking epekto sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaunlaran sa bayan ng Talitay ang isinagawang pagsuko ng siyam (9) na matataas na uri ng gawang-bahay na high powered arms sa militar.
Ito ang isa sa mga tiniyak ni 601st Unifier Brigade Deputy Commander Col. Ricky Bunayog.
Aniya, mahalaga itong aktibidad kung saan ipinapakita ng lokal na pamahalaan ng Talitay ang sinsiridad nito sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan.
Ang naging pagsuko ay isang inisyatiba ng lokal na pamahalaan at ni Army 2nd MB Commander Lt. Col. Jerome Peñalosa katuwang ang kapulisan at ang mga mamamayan.
Naniniwala naman ang opisyal na nagiging dahilan ng mataas na tala ng krimen ang mga iligal na armas na ginagawang panakot ng mga gumagawa ng iligal.
Dahil dito, hinikayat nila ang taong bayan na magkaisa na puksain ang mga iligal na armas.