Isinusulong ngayon sa makipot na kapulungan ng kongreso ng bansa o ang Senado ang Senate Bill 2288 na naglalayong mag establisa o tayo ng mga Muslim Prayer Rooms sa mga pampublikong opisina at establisyemento sa buong bansa.

Ayon sa nagpanukala na si Senador Robinhood Padilla, binigyan nito ng diin ang kahalagahan ng pagpasa ng panukala bilang sagot sa layuning pagtibayin ang pagiging malaya sa pananampalataya at bigyang daan ang mga kapatid nating Muslim na maisagawa ang kanilang panalangin sa maayos na lugar o espasyo.

Ayon pa sa mambabatas, ang pagpasa ng batas ay pagpapatotoo lamang na kinikilala ng bansa na isang major Christian Country ang karapatan ng mga kapatid na Muslim na maisagawa ang kanilang pananalangin at Dua.

Agad namang umani ito ng suporta kay Deputy Minority Leader Senator Risa Hontiveros na ayon sa kanya ay sumasalamin din sa tunguhin ng bansa na naglalayon ng isang inklusibong lipunan at komunidad.