Umarangkada na ang mga batang atleta mula sa walong distrito ng lungsod Cotabato sa pagsisimula ng Palarong Panglungsod 2025 kahapon.
Ginawa ang pagbubukas na palatuntunan sa Cotabato Central Pilot School Gymnasium kung saan dumalo ang mga kalahok na atleta, coaches, LGU officials at mga sports advocates mula sa walong school districts ng Cotabato City.
Nakatakda namang magsabong sa ibat ibang mga patimpalak sa naturang palaro ang mg atleta mula sa elementarya hanggang sekundaryang kategorya sa parshas na pampubliko at pribadong lebel ng paaralan sa lungsod.
Puspusan naman ang preparasyon ng Cotabato Central Pilot School bilang District 1 Host School sa naturang sports event.
Ayon sa Punong guro na si Maam Shaffa Guiani kabilang sa ginawang paghahanda ay amg intense training ng kanilang mga school atletes. Sa kabila ng kanilang pagsasanay ay siniguro naman nito na di maapektuhan ang kanilang academic performance sa klase.
Samantala, bukod sa CCPS, kabilang sa mga pagdarausan ng Palarong Panlungsod ay ang Cotabato State University, Notre Dame Village, Sero Central Elementary School at Cotabato City National High School Main Campus. Magsisilbi ding qualifying round para sa BARMMAA 2025 ang naturang palaro sa lungsod.