Naabo sa sunog na naganap sa pamilihang bayan ng Alamada, North Cotabato partikular na sa Barangay Dado ang tinatayang aabot sa 15 hanggang 20 na mga establisyemento pasado alas singko ng hapon kahapon.
Nagtagal ang sunog ng tatlong oras at naapula ito bandang 8 ng gabi. Ayon sa inisyal na tala ng BFP sa nasabing munisipyo, dikit dikit at gawa sa light materials ang mga stalls ng nasabing palengke kung kaya’t mabilis ang pagkalat ng apoy.
Himalang walang nasaktan sa nasabing sunog habang nasa fire scene pa rin ang mga personahe ng BFP upang magsagawa ng imbestigasyon sa sunog.