Naudlot sa madugo na paraan ang sana ay masayang pamamanhikan sa Bagong Silang, Luayon sa bayan ng Makilala Cotabato kahapon ng hapon.

Kinilala ang napatay na si Victor Bama Jr na residente ng nasabing barangay at nadamay lang sa insidente.

Kinilala naman ang suspek na si Dodong Alacayde na residente ng parehas na barangay.

Sa ulat ng PNP, may isang pamilya na namanhikan at ng umuwi na ito ay binaril na sila ng suspek.

Tinamaan sa tiyan ang biktima na dead on arrival ng maisugod sa ospital.

Sa isa namang sketchy report, nadamay lang umano ang biktima at ang talagang titirahin umano ng suspek ay ang tatay na namamanhikan na kalaban nito.

Sumuko naman si Dodong sa mga autoridad at sasampahan ng kasong pagpatay.