Tigok ang dalawa habang sugatan ang tatlong iba pa sa naitalang pamamaril sa Barangay Bagontapay, M’lang North Cotabato kaninang madaling araw.

Sa ulat mula sa PNP, kinilala ang mga nasawi na sina Rosinda Macailing Jordan, 35 at Romnic Reyes Villarom, 28 na pawang mga residente ng nasabing barangay habang ang mga sugatan ay sina Jomer Nietes Lumugda at dalawang sundalong sina Gilbert Dasig at Rollen Duron.

Lumalabas sa pagsisiyasat na habang nagkakaroong live band sa lugar ay dito na naganap ang pamamaril. Inaalam pa ng mga imbestigador kunsino ang suspek at motibo sa pamamaril.

Natagpuan naman sa crimescene ang pitong basyo ng bala na mula sa 9mm at kalibre 45 na pistola.