Nasawi ang isang lalaki at sugatan ang isa pa matapos silang pagbabarilin sa Sitio Kadingelan, Brgy. Lagunde, bandang 8:30 AM kahapon, Marso 15, 2026.

Ayon sa Tugunan MPS, habang sakay ng Bajaj motorcycle papunta sa kanilang buy-and-sell business, bigla silang hinarap ng hindi pa nakikilalang suspek at pinaputukan nang maraming beses.
Narekober sa lugar ang isang empty shell ng hindi matukoy na kalibre. Tumakas ang suspek pagkatapos ng insidente.
Agad namang dinala sa Cruzado Medical Hospital ang sugatang biktima, habang ang namatay ay dinala na ng pamilya sa kanilang tahanan. Patuloy ang hot pursuit operation ng Tugunan MPS kasabay ng mga spot checkpoints sa SGA at RMFB 14A para sa posibleng pagdakip sa suspek.

















