Nasawi ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Sitio Migkampong, Brgy. Batulawan, bandang 8:30 PM, Marso 15, 2026.

Ayon sa Malidegao MPS, habang wala pang ibang tao sa lugar dahil sa dilim, natagpuan ang biktimang si Michael Pindelan Hasim, 27-30 taong gulang, walang trabaho, at residente ng Brgy. Balungis, Malidegao, na may tama sa ulo at dibdib. Dinala siya agad sa Cruzado Medical Hospital sa Pikit, North Cotabato, ngunit idineklarang patay sa pagdating.

Sa crime scene, narekober ang dalawang empty shells ng 5.56 mm at isang empty shell ng .45 caliber. Natagpuan din ang isang improvised glass tooter, isang lighter, at walumpung piso (Php80.00).
Agad na sinimulan ng Malidegao MPS ang hot pursuit operation para sa posibleng pagdakip sa suspek. Kasalukuyan rin silang nakikipag-ugnayan sa pamilya ng biktima upang makakalap ng karagdagang impormasyon at magsagawa ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng suspek/s. Ang PTOC ay agad ding nagbigay-alam sa kalapit na yunit ng SGA at RMFB 14A upang maglagay ng spot checkpoints para sa posibleng pagdakip sa suspek.

















