Isinugod ang isang pamilya matapos na ma hit and run at tumilapon sa kanal ang sinasakyan nilang trisikel sa Barangay Bagontapay, bayan ng Mlang kahapon ng tanghali.
Kinilala ang pamilyang biktima sa apelyido na Gonzales na taga Barangay La Suerte. Batay sa impormasyon, malaki ang tinamong sugat sa mata at ulo ng tatay na siyang nagmamaneho habang hinimatay naman ang asawa nito maging ang anak.
Nabatid na nahagip o na sideswipe sila ng puting multicab na patungong Makilala na tumakas agad ng maganap ang insidente.
Iniimbestigahan naman na ang insidente ng kapulisan na rumesponde at nirereview na ang mga CCTV ng mga establisyemento at mga bahay na nasa lugar upang matunton ang nasabing multicab na humagip sa kawawang pamilya.